Saturday, May 21, 2011

Kabayan, Naging Solusyon ba ang Pag Aaabroad Mo?



Walang Natira by Gloc-9 Feat. Sheng Belmonte


Bakit nga ba nag aabroad ang Pinoy?  Maganda naman ang Pilipinas. Simple ang buhay, magaganda ang mga tanawin, mababait ang mga taong nakapaligid (mga snatcher daw) sayo at higit sa lahat malaya kang gawin ang gusto mo.

Noong araw, hindi natin pinangarap na mangibang bansa. Sabi natin, kahit anung hirap ng buhay sa Pinas ay titiisin natin, basta sama-sama. Sabi pa, aanhin ko ang malaking pera kung hindi ko naman kapiling ang mga mahal ko sa buhay(naks). 

 Bakit tayo narito ngayon?Ano ang nag-iba? environment nya? opportunities nya? pinag-aralan o kaalaman o kakayahan nya. kaisipan nya?Mayroon din naman iba na nangangarap ika nga " for the greener pasture in life.."


Mas masarap ang pagkain doon at kain ng kain..saka sabi nila mas malaki daw ang tinapay doon sa abroad. (^_^) . Ang iba naman ay para takasan ang isang sawing pag ibig at meron din namang ilan para humanap ng makakapareha sa buhay sa piling ng ibang lahi..


Ano nga ba ang pangunahing dahilan ng mga OFW? Ayon sa mga nakausap ko na mga Pinoy rito, una-unang rason ay ang malaking sahod. Kelangang kumita ng malaki sa mahal ng mga bilihin sa ating bansa, napakataas ng matrikula ng mga anak sa paaralan , sa dami ng tiyang bubusugin at sa pinapangarap na matiwasay na pamumuhay. 

Ang karamihan ay nais makapagpatayo ng malaking bahay, mahusay na negosyo at bumili ng magarang kotse. Ngunit sabi ng mga kaibigan ko na nasa Pinas, kaya mo namang makuha lahat ng iyan sa bansa natin kung may sipag at tiyaga lang. Pero, kailan pa yun?, ang tanong nila.


Ibat iba ang dahilan natin ngunit ang tanong na narito ka na  MASAYA ka ba? o Naghihinayang ka? Sabihin na nating tatlong taon ang kontrata mu. Anung nangyari? Nakapag ipon ka ba? Nakatulong ka ba sa magulang mu?  Dinisiplina mu ba ang iyong sarili o nagpatianod ka din sa naglipanang tukso ng kamunduhan?

Oo , Mahirap ang buhay sa abroad dahil ang lagi mong iisipin ay ang mahal mo sa buhay na naiwan sa Pinas. Sa bawat pagtulog, lagi mong naiisip ang umuwi sa piling nila. Mahirap man kung iisipin. .sabi nga nila " There's no place like HOME SWEET HOME"..


Isipin din naman nating mabuti ang dahilan bakit tayo nag aabroad, ang kasagutan ng iyong puso ang tunay na magiging inspirasyon mo..Oo kahit mahirap kakayanin mu dahil magulang ka o kung ikaw ay binata o dalaga ay ikaw ang bread winner sa pamilya  mo at may mga tao na umaasa sa iyo..


Minsan ay mga desisyon tayong iniisip natin ay nararapat para sa ating sarili kahit sa opinyon ng iba ay mali. Ang mahalaga ay kung paano mo pangangatawanan ang mga desisyong pinanghahawakan mo sa buhay.


Kabayan, Sa ngayon masasabi na ba nating Naging Solusyon ang ating desisyon na mag Abroad ? Tayo lang din po ang makakasagot nito sa ating mga sarili.


May mga pangyayaring kahit kailan man ay 'di mo na maibabalik pa.Kailangan nating magpakatatag !
















2 comments:

  1. haaay naku .... sana malaki na lang ang sweldo ng mga nurse sa Pinas.. para wala nang umalis....

    ReplyDelete
  2. Kasalanan yan ng gobyerno ng Pilipinas; karamihan ng politiko ay kanya-kanya ng pang-aagaw sa kaban ng bayan at walang inintindi kundi ang sarili para yumaman. Ngayon, wala nang natira sa mamamayan para sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan.Kaya, bakit ako magtitiyaga sa isang bayan na alam kong wala akong pagkakataon sa buhay kundi mangibang bansa.Ang gobyerno ang dapat na magbago; hindi ang mabuting mamamayan, na sunod-sunuran lang sa kanilang patakaran.

    ReplyDelete