Thursday, December 29, 2011

7 Strategies to Create Time to Things that Truly Matters




We , OFW's at one point of our life have been guilty in saying..“ I don’t have time”

Kung ang isang tao o ang isang pagkakataon ay mahalaga sa iyo, you will create time for it.

Patungkol man ito sa relasyon , sa negosyo o sa paglilingkod sa Diyos.

Kabayan paano mu ginugugol ang oras mu sa isang araw o ang mga araw sa isang linggo?

Here are some proven & tested tips for effective time management:

     1. Gumawa ng “ to-do-list or reminders ”. Maari itong gawin sa mobile , sa stick notes, sa desktop.
- upang maging mas prepared at organized tayo sa mga gawain natin sa buong araw at huwag natin itong makalimutan. Simple pero mabisang paraan na ipaalala sa atin ang mga dapat nating gawin
    
   2. Prioritize - Saan nauubos oras mu? Anu mga priorities mu? Huwag hayaan maubos o mailaan ang oras sa hindi naman ganun kahalaga o sa sobrang panunuod ng mga telenovela.




      3.  Learn to delegate—Recognize you can’t do it all.Ikaw ba ay si Superman o di kaya ay si Darna? Kaibigan, katangian ng isang makapangyarihang lider ang maayos na pag delegate ng isang gawain. Ito ay hindi lamang magbibigay sa yo ng karagdagang oras na maari mung gamitin sa mas mahahalagang mga gampanin.
    
          4.  Learn to say Yes or No.- make it a general rule not to say MAYBE. Be honest. 
        If you are already committed to something.  Politely & Honestly say NO. 
        Just that you don’t have to elaborate and you will save yourself from any pressure.


     5.  Set time limit or task – kadalasan may mga taong di nila namamalayang nauubos na ang kanilang oras sa pag FB o pagsagot ng email , paglaro ng mga online games , panonood ng mga animes, pakikipagchikahan atbp.Make self imposed deadlines.Set aside particular times of day to read or listen and respond to email and phone calls,browse FB,skype,ym,etc.Avoid Procrastination .finish work on time, we should have a sense of urgency!



     6. Take time –offs -  schedule fun times ,dates ,road trips etc. It is essential that we rest our body & mind to take time-offs so we can feel more vibrant , recharge , refreshed & ready to embark on our task.

Kabayan, Papayag ka ba na lilipas sa atin ang oras o panahon na walang nangyayari, isang araw magugulat ka na lang  at mapapaisip sa tinagal tagal ko sa abroad. Bakit parang wala pa rin akong ipon?


Looking back ikaw din makakasagot niyan kung paano mu ginugol ang oras mu?

Kung nag-ipon lang ako  agad? Kung kumuha sana ako ng hulugang bahay  o di kaya naman ay nag negosyo kahit maliit lang? O kung nag abroad sana ako ng maaga? Kung nagtabi sana ako ng emergency fund kung sakaling mawalan ako ng trabaho o kung biglang magkagulo sa bansang ito? O di kaya naman sa pag-ibig ay kung minahal ko lang siya na mabuti? Sana inalagaan ko at pinakita sa magulang ko gaano ko sila kahalaga? 



Ang pagsisisi ay kailanman hindi naging sa una, ito ay laging nasa huli.
Ang oras na lumipas kailan man hindi na maibabalik.

We only have one life kaya naman huwag natin ito sayangin sa paggawa ng mga walang kabuluhang bagay na hindi naman magdadala sa pangarap o magpapabago ng ating kalagayan.

Ang ginagawa natin ngayon ay malaking kaugnayan sa magiging buhay natin o ng pamilya natin sa susunod na mga taon.


7. Above all Take Time to talk to God - How ? Through heartfelt prayers we can ask for guidance & wisdom to pass all challenges this life has to offer.


Habang malakas ka pa at may buhay ay maglingkod sa Diyos.Darating ang panahon kahit gustong gusto pa nating maglingkod ay hindi na uubra sapagkat mahina na ang ating katawang laman, malabo na ating mata , hindi na natin kayang umawit dahil garalgal na ang tinig.

Saka ngayon hindi mamalayan,sa gilid ng  mga mata ay papatak ang mga luha ng pagsisisi..panghihinayang..kung maibabablik ko lang ang panahon…


Kapatid ,may panahon pa para mabago ang lahat. Make the year 2012 better than 2011!!!


Anumang bagyo ang dumating , anumang unos ng buhay, magtiwala sa magagawa ng Diyos at sa ating pagpahingalay sa katanghalian ng ating buhay------matamis na ngiti ng pag-asa sa pangakong kaligtasan.. ^___^



No comments:

Post a Comment