Thursday, January 26, 2012

A Sticky Note from God for the OFW Youths

Do you wanna know one important key to get a good life? Yes, no hit or miss. Of course , the suggestion we were going to unveil is not a stand alone policy. Getting rich & well off in this life requires many factors but let us all first ponder on this questions:


 Hangad mo ba ay yumaman?


Nagsisikap ka ba sa buhay?


Nag iisip ka ba ng iba't ibang kaparaanan para umunlad ang iyong pamumuhay?


Sinubukan mu ng magtinda ng kung anu-ano , pumasok sa samu't saring negosyo pero hindi ka pa din umuunlad?


Maraming dahilan para ikatwiran ang hindi pag unlad ngunit isang kakaibang suhestyon na maaari ----hindi maari bagkus ay tiyak-- na pangako ito ng Diyos.


Efeso 6:1-3
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, a sapagkat ito ang nararapat. Igalang mo ang iyong  ama at ina. Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “ Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa..”

Kaibigan , kalakip ng pagsisikap natin ay ang pagmamahal sa magulang. Baka dito nahuhulog ang ilan na nakapunta lang ng ibang bansa at sabihin nating naging breadwinner ng pamilya
ay natuto ng magtaas ng boses sa magulang.

Tiyak ang pangako ng Diyos,Giginhawa ang ating buhay.kasi Diyos ang may sabi nito at hindi tao. ^__^

Mahalin natin ang ating magulang sa kanilang pagtanda ay alagaan natin sila. Ito ang gampanin ng mabuting anak at itinuturong isang susi sa pag ginhawa sa buhay.

Maraming Salamat po.


No comments:

Post a Comment