Sunday, February 12, 2012

Kabayan , Mag ingat sa Pagpili ng Insurance!


MANILA, Philippines - Planholders of Prudentialife Plans were dismayed when they heard the announcement the pre-need firm will not pay out claims due to financial problems and as ordered by the Insurance Commission (IC).
Margie Celis, a planholder of Prudentialife Plans, said she was concerned about how she will pay the tuition of her child.
"Pangtuition pa sana yun ng anak ko...natatakot ako na baka matulad ito sa ibang kumpanya," she said.
The Insurance Commission said it released a stay order so that Prudentialife Plans  will not run out of funds.
"We have to intervene, kasi kung hindi kawawa yung mga iba na hindi pa nagmamature ang claims. Kawawa naman sila," conservator Atty. Rosario Bernaldo said.
******************************************************************************************************
Kabayan ,

Bilang magulang matatakot ka rin kasi future ng anak mo ang nakataya , kaya maging maingat po tayo sa pagpili ng Insurance Plan. Alaming mabuti at magsaliksik. Huwag pong basta basta magtiwala dahil tayo din po ang magiging kawawa bandang huli.

Pinatigil ng IC ang pag claim ng mga planholder kasi po hindi naman uubra na ang gagamiting pambayad para sa mga existing planholder ay kukuhanin sa mga bagong bukas na planholder. Unfair po yun at illegal pag ginawa nila.

Kailangan ng Insurance , malaking tulong ito ngunit maging napakaingat sa pagpili. Magtanong , magsaliksik at alamin kung makakapagbayad ba kung saka sakaling sabay sabay na mag mature ang plan.Paano kumikita ang kumpanya at may mga pruweba na ba na nakapag pay out na sila sa mga naunang plan holder?

Siguruhin din naman po nating ang taong nag aalok sa atin ng insurance ay certified insurance agent na maipapakita ang lisensya na pumasa sa exams na ibinibigay ng Insurance Commission o kung pre need plan naman ang kanyang inaalok ay matiyak na ito ay nakaugnay sa SEC.

Maraming Salamat po. ^___^


No comments:

Post a Comment