Saturday, March 24, 2012

Breadwinner ka..kasalanan bang hindi magpadala?


alam mo iho, sinasabi ko sa mga anak ko na huwag sila mag-abot sakin ng pera o sustento. wala silang dapat isipin na utang na loob nila sa akin kasi responsibilidad ko bilang magulang nila na palakihiin sila at bigyan ng magandang buhay. bigyan lang nila ako ng apo, masaya na ako."


Mayroon din naman po kasing nagsasabi ng ganito: "Änak , huwag ka munang mag aaasawa ha,patapusin mu na tin sila , tulungan muna natin yung mga kapatid mu sila moymoy , etc. 

sa kultura nating mga Pilipino , karamihan itinuturing na pananagutan na magpadala tayo .Tama po ito at mabuti ang tumulong kaysa ipanggastos lang s akung anu-ano.Masarap ang tumutulong.

Ngunit minsan nga ay namimihasa na ang ilan at ikaw na lamang talaga ang inaasahan na pati ang budget sa bahay pambili ng grocery etc ay kasama na sa ipinapadala mu..kung ikaw ay isang binata o dalaga, paano ka pa makakapag asawa?

Ang tutuo merong ilan pag sumablay ka ng buwan na magpadala ay lumalabas na ikaw pa ang masama?


Siguro mas maganda kung surpresahin na lang natin sila ng pagpapadala kung uubra naman mas magugulat pa sila meron na silang bagong tv o appliances o cash na hindi nila inaasahan.


Kanya kanya po talagang prinsipyo yan..

Meron din namang gustong gusto tumulong pero wala sa posisyong tumulong?

Sa papapano sa kanyang sarili pala ay kulang na.kung ganun ay dapat humanap tayo ng paraan para magkaroon ng extra income.

Dapat nating ipakilala sa Panginoong Diyos ang ating mga pangangailangan. Baka naman kasi kaya ka hindi umaasenso kahit na ilang taon ka na sa abroad ay dahil sa namumuhay sa paggawa ng kasalanan.

Kailangan nating siyasatin ang ating sarili ,anak ka ng Diyos ngunit bakit tila napakailap sa yo ng kapalaran? at tila ba nagiipon ka sa butas na lalagyan?

May mga ibat'ibang paraaang ipapakita sa yo kung paano mo matatanggap ang kanyang masaganang biyaya..

Kausapin po natin ang Diyos...

Godbless po! ^___^
http://incmedia.org/incms/





No comments:

Post a Comment