Wednesday, October 26, 2011

GYD: Grab Your Dreams! ^__~



"Hold fast to dreams for if dreams die, life is a broken-winged bird that cannot fly.


Lahat tayo ay mga pangarap, nuong bata tayo gusto nating maging doktor , o scientist , atbp.
Sa paglaki natin at sa pagharap sa mga responsibilidad ay patuloy tayong humahabi ng pangarap-----Magkaroon ng sariling bahay at lupa , mapagtapos ang mga anak sa kolehiyo , magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata , matulungan ang mga magulang sa kanilang pagtanda,magkaroon ng magandang buhay.


Dakila at mainam ang mga pangarap ng isang OFW maging ikaw man ay magulang o
kabataan may mga kaniya kaniya tayong nais makamtan. 


Minsan nga lamang sobrang nagiging abala tayo sa mga alalahanin sa buhay o ang ilan ay 
nadadaig ng mga kahirapan na nawawaglit na sa atin yung nais nating mga abutin na 
pangarap.


Habang may buhay ay may pag asa na matupad ang pangarap.Huwag mong ikatuwiran na 
matanda ka na or bata ka pa para gawing dahilan para hanggang tanaw o ipagpaliban na lang
mga pangarap mo. Hindi ka naman mag-iisa ang sabi nga ay 


"Itiwala mo sa Diyos ang lahat mong balak at ikaw ay itutumpak sa lahat mong lakad.. "


Mangarap tayo Kabayan..minsan may mga kaibigan tayo o mahal sa buhay na 
humihingi ng tulong at hindi natin maibigay dahil halos sakto lang din ang ating kinikita.


Pangarapin natin makatulong sa maraming tao hindi yung tayo ang laging tinutulungan.
At ang mga pangarap na yan ang magbibigay sa atin ng mas makahulugang pamumuhay sa ibabaw ng mundo = )


Maraming Salamat po!


Archie Acedo,OFW
"All men dream, but not equally. Those who dream by night in the dusty recesses of their minds wake in the day to find that it was vanity; but the dreamers of the day are dangerous men, for they may act their dream with open eyes, to make it possible."
Financial Advisor/Business Coach
050 686 0415
www.royalebusinessclub.com
Grab your Dreams!