Monday, February 7, 2011

Gaya ka ba ni Maria sa Facebook nagsimula?

Ang kwentong ito ay hango sa totoong pangyayari ng isang kabataang OFW na naghangad magkaron ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Si Maria ay napunta ng UAE taong 2007 dala dala ang punong punong pag asa na ang kanyang pangingibang bansa ang magpapabago ng kanyang pamilya. Pumasok siya bilang receptionist/secretary sa isang kumpanya.


Bagamat hindi kalakihan ang sahod, sapat na rin upang makapagpadala ng kaunting pera sa Pilipinas at makapagtabi para sa kinabukasan. Ngunit naging mapait ang kapalaran taong 2009 nagsimula ng ma-delay ang pagpapasahod ng kanyang kumpanya at nasama siya sa pagbagsak ng ekonomiya.


Nawalan siya ng ilang buwang trabaho at natigil ang pagpapadala at pagsusustento nya sa kapatid na nag aaral sa kolehiyo.


Buti na lamang at nakalipat sya ng panibagong kumpanya ngunit kasabay nito ang katotohanang namulat sa kanya na hindi dapat umasa sa sahod lamang o ipadalang lahat sa Pinas!


At kailangang magkaroon ng ibang pagkakakitaan? Paano na kung magkasakit? Paano na kung may emergency na mga pangyayari ? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon may uutangan siya..Habang buhay na lamang ba siyang mag aabroad?


Nakatitig siya ng matagal sa monitor ng kanyang computer hanggang sa mapagod siya , naisipan nyang mag FB.. 


Pagbukas nya ay may nakita syang isang wall post mula sa kaibigan..EARN EXTRA INCOME & START OUR OWN NEGOSYO! 


Huh! Totoo kaya ito? Sinabi nya sa kanyang sarili.Subukan ko nga! Sabi nya walang mawawala sa kanya at hindi uubra na ganito na lang ang magiging buhay nya..kaya sa  umaga ay nagtatrabaho sya para sa kanyang amo at sa gabi ay para sa kanyang sariling negosyo.


Sabi nya " Ah , tama na muna ang panonood ng Imortal at Kristine..meron na kong sariling negosyo.Ito ang pagtutuunan ko ng pansin.Itatanggi ko muna ng ilang buwan ang aking sarili upang makapamuhay ng mas maayos 5 taon mula ngayon.


Para sa kinabukasan din ng pamilya ko ito at ayoko ng maranasan pa ng magiging anak ko ang kahirapang pinagdadaanan ko..


Sa ngayon si Maria ay masayang kumikita sa kanyang negosyo dito sa UAE at nag eencash naman ng cheke na maaring ipasok sa bangko sa Pinas. 


Bukod dito ay may hinahanda din syang negosyo para sa kanyang pamilya o sa kanyang magiging chikiting balang araw : )


Nagpapasalamat siya sa nag post na kaibigan about sa negosyong iyon..at bagamat hindi pa siya masasabing talagang mayaman alam nya at dama nya na kung sisipagan nya lamang ang kanyang negosyo ay hindi malayong marating nya ang lahat ng pangarap niya sa buhay!


‎"Huwag kang mainip, Maghintay ka sa Panginoon, SIya'y darating at ililigtas ka! Magpakatapang ka, patatagin ang iyong puso, at lakasan ang loob. Oo, maghintay ka at ikaw'y tutulungan Niya. (Awit 27:14 TLB)



Para sa mga katanungan ay maaring mag txt o tumawag sa
050 686 0415 o mag email sa rbcuae@gmail.com

Maraming Salamat po.

2 comments:

  1. Good inspiring article bro. keep inspiring all OFWs' and good luck in your business.

    ReplyDelete
  2. thank you sir..likewise more informative blogs & ideas to you! cheers! : )

    ReplyDelete