Wednesday, February 16, 2011

Kabayan, Ano ang PaKahulugan mo sa Kagandahan?

Tayong mga Pilipino o halos lahat naman  tayo mahilig sa


maganda. Kung saan mang bagay yan o sino man yan, likas

na sa atin na hangaring kung ano ang "maganda" o baka

yung "pinakamaganda" pa nga.

Pero ano nga ba talaga ang kagandahan?


Paano mo masasabi kung maganda o pangit ang isang

bagay? Sabi sa isang sikat na kasabihan sa ingles, 


"Beauty is in the eye of the beholder"

Ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin dito..


Totoo yan!. Subjective talaga ang kagandahan.Yung 


maganda sa isa maaring hindi maganda sa iba.



"Lahat ng bagay ay maganda. Nilikhang maganda at may 

saysay. Nagiging pangit lamang ito kapag hindi na niya 

nagagampanan ng tama ang kanyang layon sa mundong ito."

Hindi ba? Ganun naman talaga.


Halimbawa, maganda ang 

ibon. Natutuwa tayo dito kapag lumilipad ito sa himpapawid 

at humuhuni ng matataas na nota. Pero magagandahan pa 

kaya tayo sa isang ibon kapag ang ginagawa na lang nya ay 

gumulong sa kalsada? Kapag ang hinuhuni na nya ay 

mabababang nota o kaya kumakahol na lang syang parang 


aso? Diba? Adeek na yun kapag ganun. XD


Hehehe.. 

Ngunit subalit datapwat at sa ibabaw ng lahat...higit nating 

pahalagahan ang panloob na kagandahan..inner beauty..

sabi nga.

Mas panalo kung maganda ka na maganda pa ugali mo!

MARAMING SALAMAT PO!





No comments:

Post a Comment